Wednesday, October 19, 2016

Ang Huling Tula


Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita.
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili
mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo sakin pagmamahal

Saturday, September 17, 2016

Tuyo Na'ng Damdamin


At kahit na anong gawin Di mo na mapilit at madaya Aminin sa sarili mo Na wala ka nang mabubuga Parang 'sang kandila na nagdadala Ng ilaw at liwanag Nauubos rin sa magdamag

Tuesday, August 2, 2016

Monday, July 25, 2016

Saturday, July 23, 2016

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine