Wednesday, October 19, 2016

Ang Huling Tula


Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita.
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili
mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo sakin pagmamahal

No comments:

Post a Comment

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine

There was an error in this gadget