Friday, September 28, 2007

Mission Accomplished!!

Nakapag laro ka na ba ng isang online game? well ako adik ako dyan halos lahat na ata ng online game ay na subukan ko na, pero sa lahat ng na laro ko wala na atang tatalo pa sa RAGNAROK the first philippine online game that really ROCKS ika nga. marami akong naging karanasan sa pag lalaro ng game na ito, dito ay na ranasan kong umibig, ma-paaway, maloko at syempre magkaroon ng mga ma bubuting kaibigan.

sa game na ito na kilala at na pasali ako sa guild na ARMADA one of the finest at ginagalang na guild sa chaos at ganun din sa ibang server. bakit? mamaya ma lalaman mo. Sept. 25 2007 habang ako ay nag babasa ng aming boards isang topic ang pumukaw sa aking mga mata at ito ay merong pamagat na " ARMADA 2005-2007 " naka saad dito ang pa mamalam ng aming guild sa philippine ragnarok.

our guild is never selfish when it comes to allies

our guild won in guild booth contest and thanks to marlou

our guild won in cosplay thanks to princess yrose

our guild won in hot agits and we put maya purple into good use

our guild won in wildcard thanks to winston and milton and marlou

first baldur guild to won in RWC (dream come true)

first t-shirt made by an RO guild. Untouchables Beta

First guild to win in LG tournament (Untouchables)

First RWC Chaos champ

first guild to step in korea in the first ever RWC in 2004 (Rebirth)

first guild to comeback to korea and won third place

first guild to break bergel in 2005 and we are asked to join BH factionETC...

hindi ko maaring mabigay ang buong detalye dahil sa request na rin ni Leic at marahil nga ay magalit sya pag kaka post ko nito, pero ano ang ma gagawa ko naging malaking bahagi ng buhay ko ang ARMADA and im so damn proud that i have been a part of this elite guild, panahon na naman siguro para mag yabang ng konti kuya /no1. yan ang isa sa mga na tutunan ko kay Leic ang pagiging humble at pagpapa kumbaba. kailan man ay hindi sya nag yabang o pumatol sa ano mang rants ng kahit na anong forum he simply let the guilds achivements under his command do the talking. /heh


well i can still rememeber the battles the sieges and the pvp that i have been a part of, na ririnig ko pa ang land protect ni leic, ang sonic blow ni marlou, brandish spear ni strong bone, bash ni melganis, ang venom dust ni restless at syempre ang heal at status rec ni sutil. sino nga ba ang ma kakalimot sa ARMADA?


well na wala man ang ARMADA guild alam kng na andyan parin ang mga miyembrong naging kaibigan at nakasama at alam koong hindi dito na tatapos ang pagiging magkaibigan natin. good game mga pre.


(na maalam ang ARMADA kasabay ng pa mamaalam ng CHAOS ang tahanan ng mga aztig. ngunit bago ito tuluyang na maalam nag iwan ito ng bakas sa midgard, bakas na kailan man ay hindi ma lilimutan ng kahit na sinong nag lalaro ng RAGNAROK. at mag iiwan din ito ng bakas sa aming mga sarili na kahit ano pa man ang aming pagkaka abalahan sa mga darating pang mga araw na minsan sa aking buhay akoy naging parte ng ARMADA.)


VIVA ARMADA !!!
Mission Accomplished!!

Monday, September 24, 2007

"A RARE Combination Of So Many Special Things"


"I dont know kung bakit nangyayari to? i know not what to say, nor think, nor do.. today skies are all grey for me, i dont know for meng.. i haven't heard from him.. i am here to tell you my thoughts,since i have no one to talk to here,si meng lang naman lagi kong kausap o si kyle o si tong.. kanina busy si tong nandun pero saglit lang pinakita nya sa kin ung wiz nya..hindi ako nakapunta sa school para sa revision. medyo saulo ko na ung somewhere in time at lagi kong naalala kung pano namin pinanood un ni meng, 5am hehehee!!! ang ganda ng movie na yun.. namimiss ko si meng pero ayaw nya sagutin ang calls,gusto ko sana pakausap si ate cil but i think it would do no good.. ok lang,tanggap ko naman, kahit nga ng sunday,ok lang hindi na lang ako na imik,ayokong pag-awayan ang mga walang kwentang bagay, pero kung bakit ganito kami ngayon, hmmmm..... ang lungkot...

so i watch the video he gave me(na hanggang ngayon ay nagpplay pa din).. maganda,masaya, mahal ko si meng, marami ako naiisip,nakita, na-realize, i feel so blessedbut somehow, i regret the moments i should have given him compliments he needed, the way he does his work, the way carry himself.. but everything was appreciated though i may not be so vocal. last saturday night,while we're sitting along kuya nilo's place, i've been thinkin' `bout so many things. i watched him as he sit and leaned his back on wall and closed his eyes,i would have wanted to ask him to go home, kasi naaawa ako sa position nya, but i know how much he would wanted to help kuya nilo.when we're walking i appreciate how he wrapped me around his arms where i always feel warm and comfort amidst the cold breeze and darkness of midnight. when we got at 7-eleven,i love the way we choose foods to eat, i love how he looked suspiciously at every food in there(particulary at pizza bar wakokoko)i love the way he eats,i love how he got his second combo meal of hamonado pandesal and four seasons juice. i love how we share each others meals, and how he puts interest to that chuckie left in our table /gg..

i love how he protect me,i love us walking together, talking about world,life,ideas..us. there are so many things, i love and apreciate about meng, things that i dont know if he himself notice.

i love his nose,wakokoko!! yan ang una kong napansin.. i love the way he kissed and hugged gabo and yuri i see how much he love them, i love how he talk with humor and wisdom,he's different from any other man i knew. well, sige na nga i love how he thinks,kahit minsan ay out of this world(i mean madalas pala) and i love how he remind me "un nga ang minahal mo sa kin,abno". i love how he played tiberian sun kahit minsan ay bwisit ako, strategy,eh i love how he listen to my every story kahit antok na antok na sya.

i love how he kissed me goodbye and good night. i love how he wakes me up morning,and send me to bed at night.

I love how we spend days together(kahit straight TUNA ang ulam) at cympre! i love how we clean his jurassic room, kahit hirap na hirap ako habang nanonood cya ng skulls at pagvavacuum lang ang ginawa nya.

i love how he keeps the memories of the past..

i love how he gives me a peco-peco ride.and i love how he makes a peco-peco face.

i love listening to his stories,i love how we watch movies together,how we visit video city and rent 4 VCD's kahit alam namin na impossibleng mapanood namin un lahat.

i love how he listen to my tales in between the movie. i love how he kiss and hug me by surprise. i love how he put smiles on my face. i love how we set plans for our future.

i love how he gets so excited (he would probably run for rest room)i love how he cooked the corned beef with cheese. i love how we sat together sipping our coffee talking about nothing. i love his pillow my official loving,pero cympre si jo pa din ang pinaka loving,hirap lang yakapin ang laki kasi,.

i love how he hugged me till my eyes fell off to sleep. i love how he tell me "Hoy matulog ka na" "wag matigas ang ulo"

i love how he sleep on my lap while i enjoy the Phantom of the Opera, i love how he gets my attention (same as kung paano ko mang-agaw ng attention pag ayoko ng pinapanood nya)

i love to feel feel his hairs between my fingers(together w/ the flakes in it /gg) i love to rub his back and write on it. i love to tangle around his arms, (hmmm...sexy arms /gg)

i love it when he lets me watch how he brush his teeth(dati nahihiya sya) and the way he________ you know, at the sink hehehe!!!!
i love the way he asked me "asan ka na jo?" "ano suot mo?send me a pic"i love how we talk about ragnarok, my sunday hat,how we 've met, our first impressions and agony.

i love how he react as i play ragnarok as he watch "the house of flying daggers". i love how he introduce me to everyone else.. i love how he wanted me to take care of him and his things (parang baby pero ok lang,masaya nga) i love what's always inside his bag... a roll of toilet paper,vcd's and perfume.

i love him for understanding me the way he do.. mga kaabnormalan at kasupladahan..and some unspoken understanding

i love how he whispers in my ear "i love you" out of the blue.i love how he wanted to show me around different places. i love him. i love everything, strenghts and weaknesses, imperfections,uncertainties and indecisions. it comes in a package, sabi nga nya. Meng is completely a RARE combination of so many special things.(ewan ko lang pagdating ng amatsu&kunlun, but i dont think so,kakaiba cya,eh obvious naman kung paano ko sya dinescribe.db?) kung ano man un, dont know... I know what it is but there is something very special about Meng..abno? monk hat? peco? i dont know,he even have things there are no words for.i keep meng in my mind more lovingly than any thought...maybe it's the big things:THE WAY HE NEVER HESITATE TO GO A MILLION MILES OUT OF HIS WAY TO DO WHAT'S RIGHT.
i love having him to love and it was completely a blessing. i love him so much and so amazingly.i hold him in my heart more gently than any feelingi love you,jo i always have and i always will

my love is stronger though it may appear less,love is cheapened by being universally displayed."

(she use to leave me notes on a post it. ni lalagay nya ito sa mga tagong lugar para ma susupresa ako pag na kita ko ito kadalasan sa gilid ng CPU or malapit sa phone, and up to now im still hoping that meron pa syang note na hindi ko pa na kikita. alam ko meron yan na andito lang yun ma kikita ko rin yun. well this i just one of her notes na nakita kong naka save sa sa pc ko and sana when i die merong mag basa nito sa libing ko.......... happy 25th jo)

Thursday, September 20, 2007

Come And Sit With Me 0:49:21


"Some people do spend their lives together."
- anna scott notting hill
_
Who can ever forget the movie notting hill, where an actress fell in love with an ordinary man.


one thing that catches my attention in this film is the scene in the garden where they found an old bench. i wonder what happened to june and joseph, cguro maganda din ang love story nila.

for me the most important part of the film is when anna scot (julia roberts) invited William (Hugh grant) to sat beside her. and if you really undesrstand what anna mean by saying "come sit beside me" well.....

if you haven't watched the film yet i suggest you rent or buy a cd for u to understand what the heck am i taking about.

every body is looking for a partner that he or she can brag about. (pare look mo shota ko HOT yan), but for me masaya na ako sa taong masarap ka kwentuhan and can read me books hanggang makatulog ako on her lap.

Wednesday, September 19, 2007

Sa Isang Sulok Ng SM Manila


Somewhere i have never travelled, gladly beyond any experience,your eyes have their silence:

in your most frail gesture are things which enclose me,or which i cannot touch because they are too near


your slightest look will easily unclose me though i have closed myself as fingers,

you open always petal by petal myself as Spring opens (touching skilfully,mysteriously)her first rose or if your wish be to close me,


i and my life will shut very beautifully ,suddenly,as when the heart of this flower imagines the snow carefully everywhere descending; nothing which we are to perceive in this world equals the power of your intense fragility:


whose texturecompels me with the color of its countries, rendering death and forever with each breathing i do not know what it is about you that closes and opens;


only something in me understandsthe voice of your eyes is deeper than all roses
nobody,not even the rain,has such small hands




madalas akong tanungin ng mga bago kong kakilala kung bakit daw wala pa akong pamilya oh bakit wala pa akong nobya. at sa tuwing itatanong nila ito sa akin ay sisimulan kong i kuwento ang aming love story, kung pano kami nag ka kilala sa isang online game, at kung bakit kami dapat mag hiwalay.


at ang tanong nilang lahat...... bakit? wala akong ma isagot sa kanila kungdi ang katahimikan, kasabay nito ang pag tatanong din sa aking sarili bakit nga ba? then job gave me the answer in job 1:20

Saturday, September 15, 2007

Likod Bahay


Ng mamatay ang aking lolo na kapatid ng aking lola nagkaroon ako ng pag kakataong maka uwi muli sa cavite at ma bisita ang bagong bahay, matagal tagal din akong hindi naka uwi sa aking kinalakihang lugar mula ng ako ay nag college.
_
sa cavite ako lumaki kasama ang aking lola habang ang aking mga magulang ay nag tatrabaho sa maynila. marami akong ma sasayang alala sa lugar na ito. marami akong naging kaibigan at syempre kaaway, dito ako na tutong lumangoy, mag basketball (pero ayaw ko talaga ng basket ball pa importante kasi yung bola, pinag aagaw agawan), lumangoy ( na dati ay sobrang takot kong malunod lahat ng mga kaibigan kong nag pipilit sa aking lumangoy ay umuuwing putok ang labi o putok ang ulo sa pa nununtok ko. pero salamat sa kanila kahit na nanakit ako eh hinde parin nila ako pinabayaang lumaking takot sa tubig) mamisekleta sa ilalim ng tirik na tirik na araw, mag lagay ng langis sa buhok,at dito rin ako unang umibig at na busted (hahahaha mabuti na lang at binusted nya ako dahil ng na kita ko sya ang pangit nya at walang mga ngipin)
_
hinanap ko ang dalawa kong matalik na kaibigang si tute, at si baneg wala na sila nilisan na nila ang lugar na aming kinalakihan at nag karon na rin ng kanya kanyang pamilya, wala na rin ang lumang bahay na aking kinalakihan mula sa dati nitong kina tatyuan at inilipat ito sa tabi ng palayan. na lungkot ako dahil wala na ang aking kinalakihan, wala na ang dating bahay na kung saan kami ay nag sasamasama tuwing pasko. ang bahay kung saan tuwing bakasyon eh kina sasabikan kong uwian.
_
sa bagong lupang na bili nag tayo ng bagong bahay mas malaki sya kesa sa dati. pero hinahanap hanap ko parin ang lumang bahay at ito ay na tagpuan ko sa likod bahay, mga pirapirasong alala ng saya at ng aking kabataan.
_
Na isip kong hindi ko na ma ibabalik ang naka raan kaya itatago ko na lang din ang saya at lahat ng aking karanasan sa likod bahay ng aking ala-ala.

Friday, September 14, 2007

Happy Meal

Madalas eh tanghali na akong na gigising at hindi na ako nakakapag agahan at tanghalian kaya pag akoy kumakain pinag sasabay ko na ito, magkakape muna ako tapos tsaka susundan ng kanin para bawi diba?

pero para sa akin ang pinaka masarap na pagkain ay ang RC cola at century TUNA yung hot and spicy i know its not much pero for the both of us fiesta ito lalo na kung fish ang lutong ulam ni nanay. mag kakatinginan kami at bubulong sya ng "jo RC at tuna na lang tayo"

kanina ay na isipan kong kunan itong tanghalian ko kasi madalang na lang akong makatikim ng RCCT (RC at Century Tuna combo) wala na kasing nag papabili sa akin nito. habang ako ay kumakain na kikita ko parin sya sa upuan nya naka tulala hindi ko alam kung na tutulala sya sa sarap oh na tutulala sya sa kinakain nya. minsan tinanong ko sya kung bakit ka na tutulala sabi nya sa akin "wala lang ang sarap tumingin sa kawalan eh". kaya mula nun ginaya ko na sya pag katapos kong kumain tumutulala na rin ako,at tama sya mas masarap pa nga ito sa yosi.

Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking luha habang naka ngiti kong isinusubo ang aking happy meal (RCCT). mas masarap ang RCCT pag kasalo ko sya at kakwentuhan, na iinis sya pag pinag huhugas ko sya ng pinggan pero ang hindi nya alam gusto ko lang na kikita syang naka talikod pinag mamasdan ko ang kanyang buhok at lagi kong sinasabi sa aking sarili "napaka swerte mo meng". I bet ngayun mas masasarap na pagkain ang kinakain nya at hindi na sya nag huhugas ng pinagkainan.

"ubusin mo yan jo" "jo kanina pa"

Thursday, September 13, 2007

Empty Canvas

"I knew it.you are not just a painter. you have a heart for writing as i've always said since you write your first blog A BUM's LIFE. im glad that you are developing your talent. last night i was about to text you to ask why dont you go back to painting, i never thought na ngsusulat ka na pala ngayon. God bless you! " Kumento:

Isang kumento mula sa aking naka lipas, naka lipas na kailan man ay hindi ma lilimutan....
bakit nga ba hindi ako muling nag pinta? maraming dahilan.


sa mga hindi na kaka kilala sa akin, ako po eh dating humahawak ng pinsel at humaharap sa canvas upang gumuhit. nag simula ang aking talento bata pa ako. madalas eh lagi akong isinasali sa inter-school poster making contest at madalas ding ako ang umuuwing panalo "pagpasensyahan nyo na ang kaunti kong kayabangan" matagal napanahon na ang huli kong sinalihang contest. at nung 4rth year high school na talo ang 3 time champion in a row. na aalala ko pa nun walang maka paniwalang marunong akong gumuhit.


kagaya ng na sabi ko nag simula akong sumali ng contest ng ako ay kinder pa lamang hanggang grade six eh yun na ng yun ang inatupag ko ang gumuhit gumuhit at gumuhit, kung ang ibang bata eh na nunuod ng cartoons twing sabado ng umaga ako naman ay patuloy paring gumuguhit under the supervision of the school artist hehehehe. then when i was in grade six isa ako sa mga pinalad na maging estudyante ng isa sa ating national artist na si cesar legaspi. ewan ko ba pero parang na umay ako sa pag guhit. kaya ng ako ay nasa high school bagong eskwelahan, bagong mga kaklase hindi ko pina alam na ako ay marunong gumuhit, kadalasan nag papa drwing pa ako sa mga kaklase kong nag mamagaling na magaling daw silang mag drawing ng superman at logo ni batman hahahaha napaka babaw samatalang sa isip isip ko nung ako ay nasa elementarya ang hinahangaan ko na ay si Vincent van Gogh pero sinakyan ko na lang sila at umarte akong bilib na bilib sa mga drawing nila para gawan nila ako ng project.



eto nga pala ang isa sa mga iginuhit ko ng ako ay grade 5 its a replica of San Giorgio Maggiore at Dusk (1908) by Claude Monet.na syang ginamit sa pelikulang Thomas Crown Affair (1999) . ngayun ang naturang painting ni monet ay nag kaka halaga ng $100 million. pag pasensyahan nyo na medyo madumi yung painting ko kasi puno na ng alikabok. ito kayang painting ko magkano ma bibili hahaha.




hinding hindi ko ma kakalimutan ang pinaka magaling na mag drawing sa batch namin ang pangalan nya vincent paul aranas mula 1st year sya ang laging panalo at sya rin ang may pinakamagandang version ng logo ni batman at robin. magaling syang gumamit ng pastel,water color, at ng colored pencil, lagi nyang na tatalo ang kaibigan kong si albert rosete na sya namang napaka galing mag drawing ng mga ninja. minsan biniro ko sila nung nasa 4rth year na kami sabi ko sa kanila isang araw tatalunin ko yaang si aranas sa drawing. pinag tawanan nila ako.


dumating ang foundation day 8:00am St. Anthony library dumating ako sa araw ng contest na late nakapag simula na sila sabi ng bantay baka nde ko daw matapos kasi 30 min na lang ang na titira sabi ko "try lang po" natawa ang teacher at pinapasok ako na gulat ang lahat pati ang aking kaibigang si rosete pati ang reigning champion na si aranas na tawa sila, na tawa din ako. gamit ko ang luma, bali bali at puno ng alikabok kong crayola sinimulan kong gumuhit.Hinde na ako gumamit ng lapis kasi gahol na sa oras ipinikit ko ang aking mata at gumuhit ako. ng dumilat ako nag simula na ang mga na tutulog kong kamay na sumayaw sa tugtog na tanging ang aking mga mata at kamay lamang ang na kakarinig. natapos ko ang aking sining na gulat ang lahat lumabas ako na parang wala akong ka kilala walang kumausap sa akin walang pumansin lahat naka tingin sa aking likhang sining.


dumating ang araw ng awarding na tatandaan ko pa isa akong COCC kadete kung baga at ako ay isa sa mga batay ng programa. tinawag ang 3rd place hindi ko na rinig ang pangalan ko, 2 place si albert rosete at ang 1st place si vincent paul aranas. tumalikod ako at na lungkot magaling talga si aranas sa isip isp ko. na kita ko sya na tuwang tuwa pero nde pa pala tapos meron palang champion hehehehehe at alam na natin kung sino yon.


bakit nga ba hindi na ulit ako nag pipinta? dahil marahil sa mga makabagong teknolohiya (adobe photo shop) kaya sabi ko sa nag kumento sa akin pag tanda ko gusto ko sa vigan walang teknolohiya simpleng bahay. dalawang rocking chair isang duyan at doon ako muling haharap sa canvas habang pinapanood sya sa kanyang pag tutog ng piano.


hindi na ako nag pipinta dahil walang inspirasyon walang musika akong na ririnig sa tuwing akoy pipikit. kahit na anong kulay ang aking ipahid eh wala akong makitang kulay dito dahil sa ako ay empty........................




Wednesday, September 12, 2007

What About My Heart?


I found an old book of mine (the wizard of oz) while i was cleaning my room the pages are very old and it still has a book mark on it and when i opened the page this is what i read.

"what about my heart?" asked the Tinman, "i think you are lucky not to have a heart, for the heart is what makes most people unhappy," said Oz. "that is your opinion," said the Tinman. "For my part, I will bear all the unhappiness without a word if you give me the heart."

I'm just wondering masaya pa kaya si Tinman?


(isa lamang ito sa mga na isulat ko sa aming multyply accnt. i just want to share it with you guys. marami kasi akong na isulat dun na kaming dalawa lang ang na kaka basa.)

Tuesday, September 11, 2007

Quirino Station


Once a mage in an online game of ragnarok asked me what is love. at first hindi ko na sagot ang tanong nya dahil ako man ay hindi ko rin alam ang sagot. Marami na ang nag bigay ng kahulugan ng salitang yan at tanong ko sa aking sarili na tagpuan kaya nila ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag mamahal?

Lumipas ang mga araw bago ko na sagot ang tanong nya. ang sabi ko ang pag ibig ay parang pag sakay ng train, ikaw ang mag dedesisyon if your going to ride the first train or your going to wait for the other one. Pero ano man ang piliin mo for sure you wont find the same train at the same station at the same time, if your going to ride the first train then you will not see the second train and if your going to let the first one go you will not get a chance to ride it again.
And you know what happened to the mage?

We both took the ride and we enjoyed the ride, yes we both fell inlove but
sad to say love like a train has its last station, may katapusan ang riles.....

and the mage was right the ride was worth it, and it was the best train ride i ever had.

Sunday, September 9, 2007

Usok


Kuha ko ito sa bahay ng aking kaibigang si Restless one of the mighty players of RF online. tatak na ata talaga ng isang manglalaro ng online game ang paninigarilyo. ano nga ba ang na kukuha natin sa usok ng sigarilyo? maliban sa cancer at kung ano ano pang sakit na maaring makuha dito. at kung ma papansin natin nakapalakip sa bawat pakete ng sigarlyo ang mga babalang kagaya nito.
_
warning:
  • cigarete smoking is dangerous to your health
  • cigarete smoking is dangerous for children
  • cigarete smoking can cause cancer
at ang pinaka malupet sa lahat:
  • cigarete smoking kills
at kung ang mga warning na ito ay hinde pa sapat subukan nyong bisitahin ang website na ito.


ang hindi ko talaga ma intindihan eh kung bakit sa dami ng mga babalang ito eh patuloy parin tayo sa pag hithit ng sigarilyo. malaki ang duda kong hindi cancer ang tunay na side effect na dala ng yosi kungdi ang pagiging ignorante natin sa salitang WARNING o talagang hindi lang natin alam ang tunay na ibig sabihin ng salitang WARNING.
_
Pero kahit na ano pa man ang masamang dala ng yosi. iba parin ang pakiramdam ng usok nito na pumapasok sa iyong katawan at lumabas sa iyong ilong. sa iba ito ay nakakapagpa kalma, na kaka alis ng gutom, na kakapawi ng inip at na kakatulong sa pag iisip. Pero para sa akin isa lang ang purpose ng yosi and this is to hide away my tears. it can give me reasons why are there tears in my eyes.

"wala pare pumasok lang usok sa mata ko"

Friday, September 7, 2007

Ng Lumubog Ang Araw Sa Baywalk

The sunsets along Manila Bay are famous and probably the most beautiful in the world due to the high humidity conditions coupled with the effects of clouds over the city’s harbour.
Don’t go home once the sun has disappeared behind the horizon. Enjoy the night in a side walk café and watch one of the (many) local life bands performing along the BayWalk. Enjoy! - according to my sari sari store

Na kalulungkot isiping muling lumubog ang araw sa baywalk. kasabay sa pag lubog ng araw ang mga sikreto at anumalya na papaloob sa likod ng saya tugtugan at sayawan sa naturang lugar. nasan na nga ba ngayon ang baywalk? matatagpuan na lang natin ito sa ating mga alala.

Wednesday, September 5, 2007

Isang Umaga Sa Vicente Cruz



Bata pa lang ako eh tuwang tuwa na ako sa pag sikat ng araw na aalala ko pa noon na nag papagising ako sa aking lola ng madaling araw para lang abangan ang pag sikat ng araw at maski ngayon gumugising ako ng maaga at sumasakay ng LRT para lang ma saksihan ito . hindi ko alam pero iba ang aking pakiramdam sa tuwing na kikita kong kinakain ng liwanag ang naka lipas na gabi. it makes me feel im a new person it gives me new hope and a new life a chance to bring something out of my self and another chance to forget the past.

nung mga nakaraang araw ay naging hang out ko ang computershop ng aking kaibigang si anthony na nakilala ko sa RAGNAROk. matagal na nya akong iniibita na doon na mag laro, matagal ko rin syang na pag bigyan hanggang isang araw nag desisyon akong mag punta, bakit? may tinatakasan kasi ako... tumatakas ako sa lunkot na dala ng nakaraang realasyon at mga problema sa buhay.

sa vicente cruz ay naka limot ako pang samantala ng lungkot. marami akong na kilala naging kaibigan at natutunan. at isang araw matapos naming mag puyat sa ka lalaro at nakita ko ulit ang pag sikat ng araw. sinasabi nitong panahon na para umabante. panahon na upang lisanin ang vicente cruz at mag patuloy sa buhay.

salamat anthony, apol at andrew sa pakikinig sa mga tawag ko kahit walang kwenta ang mga pinag sasabi ko at salamat sa pakikinig sa mga problema ko kahit alam kong wala naman kayong ma itutulong hahahaha, mag kikita kita tayong muli at mag aalmusal sa marsan bago sumikat ang araw......

Tuesday, September 4, 2007

Ang Gulok ni Ka Andres


Naka daan na ba kayo sa may city hall ng manila? cguro naman eh napadaan na kayo doon sakay ng isang jeep. na pansin nyo na ba ang monumento ni ka andres sa gilid ng city hall? malamang eh hinde gaano dahil sa kadalasan eh nag maamdali ang jeep na sinasakyan mo dahil umiiwas sya na mahuli sa kadahilanang nag sakay sya ng pasahero sa harap ng cityhall mismo na syang naman mahigpit na ipinag babawal ng makikisig na M.M.D.A. para sa inyong ka alaman sa harap ni ka andres ang tamang sakayan. pero dahil nga na nasanay na ang mga taong sumakay sa harap ng city hall eh sa city hall na rin nag sasakay ng mga jeep kahit na bawal. bakit kaya ayaw sumakay ng mga pasahero sa harap ni ka andres? malamang eh na tatakot sila sa dalang gulok ni ka andres, o na tatakot silang ma huli ng mga spaceship na nasa larawan.

Isa sa mga kadahilanan kung bakit hindi mo na papansin si ka andres ay dahil sa tuwing sasakay ka ng jeep at dadaan ka a parteng iyon ay hinde ka sa bintana naka tingin kundi sa harap at tinatanaw mo ang tulay na aakyatin ng jeep at kung nasa kabilang kalsada ka naman eh tatanawin mo ang babaan patungo sa SM manila, o tinatanaw mo ang underpass. tama? tama!

pero isang beses sinadya kung bumaba mismo kay ka andres at nilapitan ko sya pinag aralan at sinuri kung ano talaga ang na andun. na pag alaman kong ang munumento nya palang iyon ay tungkol sa buhay nya mula pagka bata. tinitigan ko si ka andres galit na galit ang muka nya, na itanong ko sa aking sarili bakit kaya sya galit na galit at may hawak na gulok na parang gustong mag hurumintado. tinignan ko ang paligid tumayo ako sa paanan ni ka andres ng mga ilang minuto at nalaman ko ang sagot sa aking katanungan.

kung ako man si ka andres eh kukuha ako ng gulok. una sa mga ka iinisan ko kung ako ang nasa katayuan ni ka andres at ang walang patumanggang busina ng mga sasakyan isipin mo yun ikaw na ang tumayo dun ng umaga at gabi nde ka ba ma ririndi? ang pulyusyon de futa kung kukulangutan ko si guro si ka andres eh baka maka kuha na ako ng ga bola ng basket ball na kulangot sa ilong nito, idag dag mo pa rito ang init at ulan aba eh ang naka lagay sa medium na ginamit sa rebulto eh tanso abay kulay uling na si ka andres, idagdag mo pa rito ang ingay at gulo ng mga tao eh talaga naman ma papasigaw ka, at isa pa sa pinaka kina iinisan ni ka andress ay ang dalawang spaceship sa paligid nya, matapos nya tayong ipag laban sa mga mananakop na kastila eh merona nanamn syang na mamataang mananakop mula sa ibang planeta at kung pag mamasdan mo ang larawan wari bang hinahamon nya ang spaceship sa isang duwelo.

pero alam mo nung tinitigan ko ang kanyang mga mata napag alaman kong hindi iyan ang mga dahilan kung bakit galit na galit si ka andres. sinundan ko kung saan sya naka tingin at na pansin kong tanaw na tanaw nya ang city hall mula sa kanyan kina tatayuan at malamng eh kitang kita nya rin doon ang kurapsyon at ka bulukan ng pulitika ngayun.

alam ko nag hihintay lang sya ng timing na may isa sa mga pulitiko oh mga mag nanakaw ng bayan na tumayo sa harap ng kanyang rebulto para magamit nya ang kanyang gulok. at ng sulyapan ko muli si ka andres para bang naka tingin sya sa akin at ngumit tsk tsk tsk pagod at gutom ang ito.

Sunday, September 2, 2007

Genesis


WOW!!! my very own BLOG, hindi na bago sa akin ang salitang BLOG matagal ko na itong na ririnig at kahit sa FRIENDSTER eh meron nito nakagamit na rin ako nito pero puro sama lang ng loob ang mga nailagay ko. hanggang isang araw nakausap ko si Ruby a.k.a. polgara a friend in RAGNAROK nag patulong sya sa akin sa kauting tips about graphics gagamitin daw nya sa "BLOG" nya, ipinakita nya sa akin ang kanyang "BLOG" marami na syang na isulat at sa mga na isulat nya mas lalo mo syang ma kikilala. Hanggang isang araw sinubukan ko mag register sa blogspot.com natuwa ako sa mga design at sa kasimplihan ng mga pamamaraan kung pano ito gamitin kaya eto nakapag simula ako at sya naman binabasa mo.

Nasanay na akong ikuwentong lahat sa aking dating dobya ang lahat ng nang yari sa akin sa bawat araw at ngayun wala na sya wala na akong ma pag kwentuhan, kaya dito ko na lang ilalahad ang lahat ng mga nang yari at karanasan sa aking pag lalakbay sa buhay kong ito. at nawa isang araw mabasa nya rin ito.

Hindi ako kagaya ng ibang BLOGGERs na magaling sa mga salita, marami akong gustong ipahayag pero nde ko alam kung paano sabihin, marahil ay sa kadahilanang ako ay isang alagad ng sining, kaya gagamitin ko ang BLOG na ito upang itala ang lahat ng aking na puntahan, na kilala, at na kita sa pamamagitan ng mga larawan.

ang aking kasama? isang 6600 nokia cellphone na binigay sa akin ng aking dating nobya. mahilig kaming manguha ng pictures noon kaya marami rin kaming mga larawang na itago na syang tumatanikala sa akin sa tuwing itoy aking na kikita. marahil nga ay panahon na upang pakawalan ang mga larawang ito. pero ang aking 6600 para na itong isang sumpa kahit na minsan nag loloko at kahit na meron na akong pera upang palitan ito hinde ko parin magawa. parang gusto nyang isama ko sya sa aking pag lalakbay sa buhay kong ito, kaya eto mag sisimula ako ng aking pag lalakbay kasama ang aking 6600.

mas masarap mag-basa ng libro pag may pictures diba?

-para kay Ezikiel

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine