our guild is never selfish when it comes to allies
Mission Accomplished!!
Isang kumento mula sa aking naka lipas, naka lipas na kailan man ay hindi ma lilimutan....
bakit nga ba hindi ako muling nag pinta? maraming dahilan.
sa mga hindi na kaka kilala sa akin, ako po eh dating humahawak ng pinsel at humaharap sa canvas upang gumuhit. nag simula ang aking talento bata pa ako. madalas eh lagi akong isinasali sa inter-school poster making contest at madalas ding ako ang umuuwing panalo "pagpasensyahan nyo na ang kaunti kong kayabangan" matagal napanahon na ang huli kong sinalihang contest. at nung 4rth year high school na talo ang 3 time champion in a row. na aalala ko pa nun walang maka paniwalang marunong akong gumuhit.
kagaya ng na sabi ko nag simula akong sumali ng contest ng ako ay kinder pa lamang hanggang grade six eh yun na ng yun ang inatupag ko ang gumuhit gumuhit at gumuhit, kung ang ibang bata eh na nunuod ng cartoons twing sabado ng umaga ako naman ay patuloy paring gumuguhit under the supervision of the school artist hehehehe. then when i was in grade six isa ako sa mga pinalad na maging estudyante ng isa sa ating national artist na si cesar legaspi. ewan ko ba pero parang na umay ako sa pag guhit. kaya ng ako ay nasa high school bagong eskwelahan, bagong mga kaklase hindi ko pina alam na ako ay marunong gumuhit, kadalasan nag papa drwing pa ako sa mga kaklase kong nag mamagaling na magaling daw silang mag drawing ng superman at logo ni batman hahahaha napaka babaw samatalang sa isip isip ko nung ako ay nasa elementarya ang hinahangaan ko na ay si Vincent van Gogh pero sinakyan ko na lang sila at umarte akong bilib na bilib sa mga drawing nila para gawan nila ako ng project.
eto nga pala ang isa sa mga iginuhit ko ng ako ay grade 5 its a replica of San Giorgio Maggiore at Dusk (1908) by Claude Monet.na syang ginamit sa pelikulang Thomas Crown Affair (1999) . ngayun ang naturang painting ni monet ay nag kaka halaga ng $100 million. pag pasensyahan nyo na medyo madumi yung painting ko kasi puno na ng alikabok. ito kayang painting ko magkano ma bibili hahaha.
hinding hindi ko ma kakalimutan ang pinaka magaling na mag drawing sa batch namin ang pangalan nya vincent paul aranas mula 1st year sya ang laging panalo at sya rin ang may pinakamagandang version ng logo ni batman at robin. magaling syang gumamit ng pastel,water color, at ng colored pencil, lagi nyang na tatalo ang kaibigan kong si albert rosete na sya namang napaka galing mag drawing ng mga ninja. minsan biniro ko sila nung nasa 4rth year na kami sabi ko sa kanila isang araw tatalunin ko yaang si aranas sa drawing. pinag tawanan nila ako.
dumating ang foundation day 8:00am St. Anthony library dumating ako sa araw ng contest na late nakapag simula na sila sabi ng bantay baka nde ko daw matapos kasi 30 min na lang ang na titira sabi ko "try lang po" natawa ang teacher at pinapasok ako na gulat ang lahat pati ang aking kaibigang si rosete pati ang reigning champion na si aranas na tawa sila, na tawa din ako. gamit ko ang luma, bali bali at puno ng alikabok kong crayola sinimulan kong gumuhit.Hinde na ako gumamit ng lapis kasi gahol na sa oras ipinikit ko ang aking mata at gumuhit ako. ng dumilat ako nag simula na ang mga na tutulog kong kamay na sumayaw sa tugtog na tanging ang aking mga mata at kamay lamang ang na kakarinig. natapos ko ang aking sining na gulat ang lahat lumabas ako na parang wala akong ka kilala walang kumausap sa akin walang pumansin lahat naka tingin sa aking likhang sining.
dumating ang araw ng awarding na tatandaan ko pa isa akong COCC kadete kung baga at ako ay isa sa mga batay ng programa. tinawag ang 3rd place hindi ko na rinig ang pangalan ko, 2 place si albert rosete at ang 1st place si vincent paul aranas. tumalikod ako at na lungkot magaling talga si aranas sa isip isp ko. na kita ko sya na tuwang tuwa pero nde pa pala tapos meron palang champion hehehehehe at alam na natin kung sino yon.
bakit nga ba hindi na ulit ako nag pipinta? dahil marahil sa mga makabagong teknolohiya (adobe photo shop) kaya sabi ko sa nag kumento sa akin pag tanda ko gusto ko sa vigan walang teknolohiya simpleng bahay. dalawang rocking chair isang duyan at doon ako muling haharap sa canvas habang pinapanood sya sa kanyang pag tutog ng piano.
hindi na ako nag pipinta dahil walang inspirasyon walang musika akong na ririnig sa tuwing akoy pipikit. kahit na anong kulay ang aking ipahid eh wala akong makitang kulay dito dahil sa ako ay empty........................
minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...
pra
amining
mahina
ka...-Josel Katherine