Sunday, September 2, 2007

Genesis


WOW!!! my very own BLOG, hindi na bago sa akin ang salitang BLOG matagal ko na itong na ririnig at kahit sa FRIENDSTER eh meron nito nakagamit na rin ako nito pero puro sama lang ng loob ang mga nailagay ko. hanggang isang araw nakausap ko si Ruby a.k.a. polgara a friend in RAGNAROK nag patulong sya sa akin sa kauting tips about graphics gagamitin daw nya sa "BLOG" nya, ipinakita nya sa akin ang kanyang "BLOG" marami na syang na isulat at sa mga na isulat nya mas lalo mo syang ma kikilala. Hanggang isang araw sinubukan ko mag register sa blogspot.com natuwa ako sa mga design at sa kasimplihan ng mga pamamaraan kung pano ito gamitin kaya eto nakapag simula ako at sya naman binabasa mo.

Nasanay na akong ikuwentong lahat sa aking dating dobya ang lahat ng nang yari sa akin sa bawat araw at ngayun wala na sya wala na akong ma pag kwentuhan, kaya dito ko na lang ilalahad ang lahat ng mga nang yari at karanasan sa aking pag lalakbay sa buhay kong ito. at nawa isang araw mabasa nya rin ito.

Hindi ako kagaya ng ibang BLOGGERs na magaling sa mga salita, marami akong gustong ipahayag pero nde ko alam kung paano sabihin, marahil ay sa kadahilanang ako ay isang alagad ng sining, kaya gagamitin ko ang BLOG na ito upang itala ang lahat ng aking na puntahan, na kilala, at na kita sa pamamagitan ng mga larawan.

ang aking kasama? isang 6600 nokia cellphone na binigay sa akin ng aking dating nobya. mahilig kaming manguha ng pictures noon kaya marami rin kaming mga larawang na itago na syang tumatanikala sa akin sa tuwing itoy aking na kikita. marahil nga ay panahon na upang pakawalan ang mga larawang ito. pero ang aking 6600 para na itong isang sumpa kahit na minsan nag loloko at kahit na meron na akong pera upang palitan ito hinde ko parin magawa. parang gusto nyang isama ko sya sa aking pag lalakbay sa buhay kong ito, kaya eto mag sisimula ako ng aking pag lalakbay kasama ang aking 6600.

mas masarap mag-basa ng libro pag may pictures diba?

-para kay Ezikiel

2 comments:

  1. write your draft with your heart. Then edit with your mind.

    ReplyDelete
  2. Be happy when you reach the top: cry, clap your hands, shout to the four winds that you did it, let the wind - the wind is always blowing up there - purify your mind, refresh your tired and sweaty feet, open your eyes, clean the dust from your heart. It feels so good, what was just a dream before, a distant vision, is now part of your life, you did it.!

    ReplyDelete

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine