Friday, September 14, 2007

Happy Meal

Madalas eh tanghali na akong na gigising at hindi na ako nakakapag agahan at tanghalian kaya pag akoy kumakain pinag sasabay ko na ito, magkakape muna ako tapos tsaka susundan ng kanin para bawi diba?

pero para sa akin ang pinaka masarap na pagkain ay ang RC cola at century TUNA yung hot and spicy i know its not much pero for the both of us fiesta ito lalo na kung fish ang lutong ulam ni nanay. mag kakatinginan kami at bubulong sya ng "jo RC at tuna na lang tayo"

kanina ay na isipan kong kunan itong tanghalian ko kasi madalang na lang akong makatikim ng RCCT (RC at Century Tuna combo) wala na kasing nag papabili sa akin nito. habang ako ay kumakain na kikita ko parin sya sa upuan nya naka tulala hindi ko alam kung na tutulala sya sa sarap oh na tutulala sya sa kinakain nya. minsan tinanong ko sya kung bakit ka na tutulala sabi nya sa akin "wala lang ang sarap tumingin sa kawalan eh". kaya mula nun ginaya ko na sya pag katapos kong kumain tumutulala na rin ako,at tama sya mas masarap pa nga ito sa yosi.

Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking luha habang naka ngiti kong isinusubo ang aking happy meal (RCCT). mas masarap ang RCCT pag kasalo ko sya at kakwentuhan, na iinis sya pag pinag huhugas ko sya ng pinggan pero ang hindi nya alam gusto ko lang na kikita syang naka talikod pinag mamasdan ko ang kanyang buhok at lagi kong sinasabi sa aking sarili "napaka swerte mo meng". I bet ngayun mas masasarap na pagkain ang kinakain nya at hindi na sya nag huhugas ng pinagkainan.

"ubusin mo yan jo" "jo kanina pa"

2 comments:

  1. Sa Pilipinas, nde ko ginagawa to! Pag uwi ko isang taon akong nde maghuhugas ng pinggan! yan ang umpisa ng mala-reality show kong buhay sa states. 2 weeks ago bday ng uncle kong namatay, may RC cola, na excite ako kasi ang tagal tagal ko ng nde nakainom nun, sabi ko ay favorite ko yan! pero pag inom ko, iba na yun lasa. Kagabi pinag ulam ako ng century tuna, pero nde ako kumain (mahirap naman kasi akong pakainin talaga) nde kasi ako kumakain ng fish except sa century tuna, pero ngayon kahit un nde ko na rin makain. Ikaw lang naman nakakapagpakain sa kin.

    Cympre,iba pa rin pag 2 kayong kumakain, natutulala habang pinagtatawanan ang pangungulit n yuri kay nanay...

    ReplyDelete
  2. I may appear to be free but I'm just a prisoner of your love. I may seem alright and smile when you leave but my smile are just a front. I play it off but I'm dreamin of you, I'll keep my cool but I'm fiendin'

    I try to say goodbye and I choke, try to walk away and I stumble. though I try to hide it, it's CLEAR
    My world crumbles when you are not near

    ReplyDelete

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine

There was an error in this gadget