Tuesday, September 4, 2007

Ang Gulok ni Ka Andres


Naka daan na ba kayo sa may city hall ng manila? cguro naman eh napadaan na kayo doon sakay ng isang jeep. na pansin nyo na ba ang monumento ni ka andres sa gilid ng city hall? malamang eh hinde gaano dahil sa kadalasan eh nag maamdali ang jeep na sinasakyan mo dahil umiiwas sya na mahuli sa kadahilanang nag sakay sya ng pasahero sa harap ng cityhall mismo na syang naman mahigpit na ipinag babawal ng makikisig na M.M.D.A. para sa inyong ka alaman sa harap ni ka andres ang tamang sakayan. pero dahil nga na nasanay na ang mga taong sumakay sa harap ng city hall eh sa city hall na rin nag sasakay ng mga jeep kahit na bawal. bakit kaya ayaw sumakay ng mga pasahero sa harap ni ka andres? malamang eh na tatakot sila sa dalang gulok ni ka andres, o na tatakot silang ma huli ng mga spaceship na nasa larawan.

Isa sa mga kadahilanan kung bakit hindi mo na papansin si ka andres ay dahil sa tuwing sasakay ka ng jeep at dadaan ka a parteng iyon ay hinde ka sa bintana naka tingin kundi sa harap at tinatanaw mo ang tulay na aakyatin ng jeep at kung nasa kabilang kalsada ka naman eh tatanawin mo ang babaan patungo sa SM manila, o tinatanaw mo ang underpass. tama? tama!

pero isang beses sinadya kung bumaba mismo kay ka andres at nilapitan ko sya pinag aralan at sinuri kung ano talaga ang na andun. na pag alaman kong ang munumento nya palang iyon ay tungkol sa buhay nya mula pagka bata. tinitigan ko si ka andres galit na galit ang muka nya, na itanong ko sa aking sarili bakit kaya sya galit na galit at may hawak na gulok na parang gustong mag hurumintado. tinignan ko ang paligid tumayo ako sa paanan ni ka andres ng mga ilang minuto at nalaman ko ang sagot sa aking katanungan.

kung ako man si ka andres eh kukuha ako ng gulok. una sa mga ka iinisan ko kung ako ang nasa katayuan ni ka andres at ang walang patumanggang busina ng mga sasakyan isipin mo yun ikaw na ang tumayo dun ng umaga at gabi nde ka ba ma ririndi? ang pulyusyon de futa kung kukulangutan ko si guro si ka andres eh baka maka kuha na ako ng ga bola ng basket ball na kulangot sa ilong nito, idag dag mo pa rito ang init at ulan aba eh ang naka lagay sa medium na ginamit sa rebulto eh tanso abay kulay uling na si ka andres, idagdag mo pa rito ang ingay at gulo ng mga tao eh talaga naman ma papasigaw ka, at isa pa sa pinaka kina iinisan ni ka andress ay ang dalawang spaceship sa paligid nya, matapos nya tayong ipag laban sa mga mananakop na kastila eh merona nanamn syang na mamataang mananakop mula sa ibang planeta at kung pag mamasdan mo ang larawan wari bang hinahamon nya ang spaceship sa isang duwelo.

pero alam mo nung tinitigan ko ang kanyang mga mata napag alaman kong hindi iyan ang mga dahilan kung bakit galit na galit si ka andres. sinundan ko kung saan sya naka tingin at na pansin kong tanaw na tanaw nya ang city hall mula sa kanyan kina tatayuan at malamng eh kitang kita nya rin doon ang kurapsyon at ka bulukan ng pulitika ngayun.

alam ko nag hihintay lang sya ng timing na may isa sa mga pulitiko oh mga mag nanakaw ng bayan na tumayo sa harap ng kanyang rebulto para magamit nya ang kanyang gulok. at ng sulyapan ko muli si ka andres para bang naka tingin sya sa akin at ngumit tsk tsk tsk pagod at gutom ang ito.

2 comments:

  1. sa pagtingin natin sa ating kasaysayan at kultura, sa ating pulitikal at pang-ekonomiyang pagbabalangkas, makikita natin ang lahat ng uri ng suliranin. Humahantong ito sa kahirapan at pagkagarapal ng mga makapangyarihang pulitiko.kasindak-sindak ang hatid nitong kapighatian at kabigatan. ngunit sa likod ng mapapait na suliraning ito makikita rin natin ang magiting na pasimula para sa kanilang kalutasan.Ang maliliit at malalaking tanglaw ng pag-asa.

    Amp, sabi nga "dapat magsnow sa Pilipinas ng 3 buwan." /gg

    ReplyDelete
  2. Keep up the good work.

    ReplyDelete

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine