Saturday, September 15, 2007

Likod Bahay


Ng mamatay ang aking lolo na kapatid ng aking lola nagkaroon ako ng pag kakataong maka uwi muli sa cavite at ma bisita ang bagong bahay, matagal tagal din akong hindi naka uwi sa aking kinalakihang lugar mula ng ako ay nag college.
_
sa cavite ako lumaki kasama ang aking lola habang ang aking mga magulang ay nag tatrabaho sa maynila. marami akong ma sasayang alala sa lugar na ito. marami akong naging kaibigan at syempre kaaway, dito ako na tutong lumangoy, mag basketball (pero ayaw ko talaga ng basket ball pa importante kasi yung bola, pinag aagaw agawan), lumangoy ( na dati ay sobrang takot kong malunod lahat ng mga kaibigan kong nag pipilit sa aking lumangoy ay umuuwing putok ang labi o putok ang ulo sa pa nununtok ko. pero salamat sa kanila kahit na nanakit ako eh hinde parin nila ako pinabayaang lumaking takot sa tubig) mamisekleta sa ilalim ng tirik na tirik na araw, mag lagay ng langis sa buhok,at dito rin ako unang umibig at na busted (hahahaha mabuti na lang at binusted nya ako dahil ng na kita ko sya ang pangit nya at walang mga ngipin)
_
hinanap ko ang dalawa kong matalik na kaibigang si tute, at si baneg wala na sila nilisan na nila ang lugar na aming kinalakihan at nag karon na rin ng kanya kanyang pamilya, wala na rin ang lumang bahay na aking kinalakihan mula sa dati nitong kina tatyuan at inilipat ito sa tabi ng palayan. na lungkot ako dahil wala na ang aking kinalakihan, wala na ang dating bahay na kung saan kami ay nag sasamasama tuwing pasko. ang bahay kung saan tuwing bakasyon eh kina sasabikan kong uwian.
_
sa bagong lupang na bili nag tayo ng bagong bahay mas malaki sya kesa sa dati. pero hinahanap hanap ko parin ang lumang bahay at ito ay na tagpuan ko sa likod bahay, mga pirapirasong alala ng saya at ng aking kabataan.
_
Na isip kong hindi ko na ma ibabalik ang naka raan kaya itatago ko na lang din ang saya at lahat ng aking karanasan sa likod bahay ng aking ala-ala.

1 comment:

  1. Tulad mo rin, pagkalipas ng 16 na taon ay binalikan ko ang sinasabi mong bahay, hindi ko mapigilan ang umiyak sa sobrang lungkot at tuwa....

    ReplyDelete

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine