Wednesday, September 5, 2007

Isang Umaga Sa Vicente Cruz



Bata pa lang ako eh tuwang tuwa na ako sa pag sikat ng araw na aalala ko pa noon na nag papagising ako sa aking lola ng madaling araw para lang abangan ang pag sikat ng araw at maski ngayon gumugising ako ng maaga at sumasakay ng LRT para lang ma saksihan ito . hindi ko alam pero iba ang aking pakiramdam sa tuwing na kikita kong kinakain ng liwanag ang naka lipas na gabi. it makes me feel im a new person it gives me new hope and a new life a chance to bring something out of my self and another chance to forget the past.

nung mga nakaraang araw ay naging hang out ko ang computershop ng aking kaibigang si anthony na nakilala ko sa RAGNAROk. matagal na nya akong iniibita na doon na mag laro, matagal ko rin syang na pag bigyan hanggang isang araw nag desisyon akong mag punta, bakit? may tinatakasan kasi ako... tumatakas ako sa lunkot na dala ng nakaraang realasyon at mga problema sa buhay.

sa vicente cruz ay naka limot ako pang samantala ng lungkot. marami akong na kilala naging kaibigan at natutunan. at isang araw matapos naming mag puyat sa ka lalaro at nakita ko ulit ang pag sikat ng araw. sinasabi nitong panahon na para umabante. panahon na upang lisanin ang vicente cruz at mag patuloy sa buhay.

salamat anthony, apol at andrew sa pakikinig sa mga tawag ko kahit walang kwenta ang mga pinag sasabi ko at salamat sa pakikinig sa mga problema ko kahit alam kong wala naman kayong ma itutulong hahahaha, mag kikita kita tayong muli at mag aalmusal sa marsan bago sumikat ang araw......

1 comment:

  1. Natuloy ba ang breakfast ninyo sa Marsan? Ano ang mayroon sa Marsan?

    ReplyDelete

Sabi nga nila:

minsan
kaylangan
mong
mging
malakas...

pra
amining
mahina
ka...
-Josel Katherine